SAME SEX MARRIAGE
SAME SEX MARRIAGE Lumaki tayo sa paniniwala na ang kasal ay isang sagradong pagbubuklod ng dalawang nagmamahalang indibidwal na nagpasyang magsama habang buhay subalit kadalasa’y naipapatupad lamang ito sa magkasalungat na kasarian. Ang lalaki ay para lamang sa babae at ang babae ay para lamang sa lalaki, ito ay ayon din sa Biblia. Marahil ito rin ang isa sa mga rason kung bakit matagal ng hindi pinapatupad ang same sex marriage sa Pilipinas. Iba’t iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa isyung ito. “Malas, salot, walang silbi” yan ang mga ilang kataga na lagi nating naririning sa tuwing nakakakita tayo nga mga bakla at tomboy sa ating paligid. Subalit sa aking opinyon, kahit kailan hindi naging malas at salot ang mga bakla at tomboy. Marami akong kakilala na matagumpay sa kanilang pamumuhay at maging ang iba ay mga artista. Sila ay nagsisilbing modelo at inspirasyon lalo na sa mg...