SAME SEX MARRIAGE

 

                  SAME SEX MARRIAGE


     Lumaki tayo sa paniniwala na ang kasal ay isang sagradong pagbubuklod ng dalawang nagmamahalang indibidwal na nagpasyang magsama habang buhay subalit kadalasa’y naipapatupad lamang ito sa magkasalungat na kasarian. Ang lalaki ay para lamang sa babae at ang babae ay para lamang sa lalaki, ito ay ayon din sa Biblia. Marahil ito rin ang isa sa mga rason kung bakit matagal ng hindi pinapatupad ang same sex marriage sa Pilipinas.



     Iba’t iba ang pananaw ng mga tao tungkol sa isyung ito. “Malas, salot, walang silbi” yan ang mga ilang kataga na lagi nating naririning sa tuwing nakakakita tayo nga mga bakla at tomboy sa ating paligid. Subalit sa aking opinyon, kahit kailan hindi naging malas at salot ang mga bakla at tomboy. Marami akong kakilala na matagumpay sa kanilang pamumuhay at maging ang iba ay mga artista. Sila ay nagsisilbing modelo at inspirasyon lalo na sa mga kabataan ngayon. Wala tayong karapatang humusga kung ano man ang nais nilang gawin sa kanilang mga buhay dahil kailanman hindi nila kasalanan ang magpakatoto sa sarili. Subalit marami pa rin ang hindi sumasang-ayon dito. Paano naman ang mga bakla at tomboy? (LGBT Community) Saan sila lulugar? Kung ikaw ang tatanungin, pabor ka ba sa “same sex marriage?” Kung oo, pareho tayo ng sagot. Sapagkat ang lahat ng tao ay may pantay pantay na karapatan, at marapat lamang na bigyan din sila ng pantay pantay na karapatan dahil nagmamahal din sila marapat lamang din na pumili sila kung ano ang nais nilang gawin ang mahalaga ay alam ng bawat isa kung saan sila lulugar.



     Para sa akin pareho man ang kanilang kasarian ay ramdam pa rin nila ang pagmamahal na kukumpleto sa kanilang pagkatao. Ang tanging paraan ay hayaan na lang nating magkaroon sila ng pantay-pantay na pagtrato sa bawat isa. Mamuhay tayo ng matiwasay, maligaya at punung-puno ng pagmamahal, mapababae man o lalake, mapatomboy man o bakla. Wala namang masama kung ipapatupad ang “same sex marriage” dito sa ating bansa, dahil wala namang mawawala. Wag tayong maging madamot at maging bakod sa kasiyahan ng ibang tao , matuto tayong magpahalaga at rumespeto sa nararamdaman nila. Hayaan nating maranasan din nila ang bagay na halos inaasam-asam ng nakakarami ang magkaroon ng sagradong pagmamahalan. Para naman sa mga taong parte ng LGBT wag kayong matatakot na magpakatotoo dahil lamang sa pananaw ng iba walang masama sa pagiging ikaw kung alam mo naman sa sarili mo na wala kang tinatapakan na tao. Ipaglaban niyo lang sa tamang pamamaraan ang inyong karapatan at patunayan sa lipunan na ang katulad niyo ay hindi naging salot kailanman. 


Comments

Popular posts from this blog

PANANALIKSIK

AKADEMIKONG SULATIN

PAGPUPULONG