PAGPUPULONG
Ang Daloy ng Pagpupulong
Mahalaga ang maayos na pagpupulong. Napakaraming magagandang usapin ang pwedeng maisama sa bawat pagpupulong na magagawa ng isang grupo o organisasyon. Ang maayos na komunikasyon ang dahilan kung bakit mas maganda na may mainam na daloy ng pag-uusap ang mga miyembro ng isang grupo. Maliban ditto, kapag may itinakdang oras na upang mapag-usapan ang ibat-ibang mahahalagang paksa, mas makapaglalaan ng panahon ang bawat isa at mas may tyansa ang lahat na making at mapakinggan.
Ayon sa bidyo na pinamagatang “Pagpupulong” ,may sistematikong paraan upang maidaos nang maayos ang pagpupulong. Ipinakita dito na may ibat-ibang paraan upang magawa ito. Ang unang parte ay ang pagbubukas ng pulong. Sinimulan sa isang dasal ang pagbubukas ng pulong dahil simbolo ito ng pagpapahalaga ng grupo sa Poong Maykapal. Samantala, ang pangalawang parte naman ay ang pagtungo sa pinakamahalagang usapin sa pagpupulong. Ang tagapangulo ay sinimulan ang pagsasalita. Ayon sa bidyo, ang nais na malaman ng grupo ay kung anong programa ang pinaka-angkop sa komunidad ng FEU-HS. Nagtanong ang tagapangulo ng mga opinion mula sa kaniyang mga miyembro at nagkaroon ng limang rekomendasyon. Kabilang dito ang pagtatayo ng tindahang pangmedisina, maka-Diyos na mga programa, mga programang panglabas, pagkakaroon ng kagamitan sa mga banyo sa Unibersidad, at ang pagkakaroon ng mas malaking mga locker. Pagkatapos nito, nagkaroon ng botohan kung ano ang pinaka-karapat-dapat na tanggapin na programa pero bago ito, inulit muna ang lahat ng rekomendasyong nabanggit. Matapos ang botohan, dalawa na lamang ang natira sa mga opsyon: ang tindahang pang-medisina at ang mga programang panglabas. Naging pantay na naman ang boto kaya kinailangan na ng tagapangulo na bumoto upang magkaroon ang grupo ng iisang programa lamang. Angnapiling programa ay ang pagtatayo ng tindahang pang-medisina. Ang huling parte ay ang pagtatapos ng pulong. Naging maayos ang daloy ng pagpupulong sa bidyo dahil na rin sa sistematikong paraan ng pagganap ng mga miyembro sa kanilang trabaho.
Maganda na may iisang paraan ang bawat organisasyon o grupo sa kanilang pag-uusap upang maiwasan ang hindi pagkakaintindihan o hindi kaya ang kaguluhan. Sa bawat pagpupulong na gagawin ay marapat lamang na maging pantay-pantay ang pagtingin at walang kinakampihan na panig. Maging bukas ang kaisipan sa lahat ng opinyon ng mga miyembro o kasapi sa pagpupulong. Marapat lamang din na bilang tagapangulo ay huwag manguguna at magmagaling bagkus ay gabayan ang bawat isa tungo sa magandang pagsasamahan at gawain, ganun din pagdating sa pagiging miyembro gawin ang naatasang tungkulin at gamapanan ito sa tamang pamamaraan.
Comments
Post a Comment