AKADEMIKONG SULATIN

  Akademikong Sulatin: Ang katangian at kahalagahan nito.


       Ang akademikong sulatin ay isang paraan ng pagsulat kung saan kinapalolooban ito ng mga aralin, kaalaman, at mga impormasyon. Ito rin ay kadalasang ginagawa upang maibahagi ang kaalaman sa iba pang mga magbabasa. Maliban dito, ginagamit din ang akademikong pagsulat para ikwento ang mga bagay na nangyayari sa personal na buhay ng mga tao o di kaya kung ito ay ibinabahagi sa paraang pang-intelektwal o ‘di kaya ay pang-akademiko. 

      Mayroong tatlong pangunahing uri ang sulating pang-akademiko ngunit aabot sa labindalawa ang listahan nito. Una sa listahan ang tinatawag na abstrak. Ito ay naglalaman ng introduksyon, metodolohiya, resulta, at kongklusyun. Ito naman ay kadalasang ginagamit sa mga sulating pang-akademiko tulad ng thesis o research paper kung saan ang nagsasalita ay dapat may tono na tila ba siya ay mariing naninindigan sa kanyang nais ipabatid sa mga mambabasa. Pangalawa ay ang sintesis o buod kung saan ipinapakita nito ang lagom ng isang kwento mapa-pelikula man o hindi kaya ay maikling kwento. May iba ring mga uri ng panulat ang pwedeng gamitan ng pang-akademikong sulatin na ito tulad ng mga nobela, komersyal, komiks, mga aralin, at marami pang iba. Pangatlo ay ang bionote. Ito naman ay ginagamit upang ilista ang mga napagtagumpayan at nakamit na ng taong binabanggit dito. Ito rin ay nagsisilbing panulat upang ipabatid sa iba ang background ng isang tao mapasikat man siya o hindi. Ang bionote ay maituturing na repleksyon ng mga tagumpay ng isang tao kung kaya nararapat lamang na ito ay maging organisado at malinaw.

      Ang lahat ng ito ay sumasagot sa mga layunin na madagdagan at maiangat pa ang kaalaman ng mga tao kasama ang mga mag-aaral at mga propesyonal. Mahalaga rin na matutunan ang paraan ng pag-aaral ng mga sulating pang-akademikong ito sapagkat repleksyon din ito ng kaalaman ng isang tao at ang kanyang kagustuhan na makapagbahagi ng kaalaman sa iba. Mahalagang matutunan ang kahalagahan at katangian ng akademikong sulatin upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano nga ba ang wastong pagsulat ng mga ito. Kung ikaw ang manunulat maihahayag mo ng maayos ang nais mong iparating sa mga magbabasa nito. Ang adakemikong sulatin ay nararapat lamang na pag-aralan at magkaroon ng sapat na kaalaman kung papaano ang pagsulat nito. Dahil kung wala tayong sapat na kaalaman ukol dito ay maaring hindi natin maihahayag ng wasto ang ating sarili sa paraan ng pagsulat at maari din na hindi ito  madaling maunawaan. 


Bilang ng mga salita: 416

Sanggunian:

https://http543.wordpress.com/2016/10/17/akademikong-sulatin/.

https://www.elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/.

https://philnews.ph/2020/08/04/sulating-akademiko-halimbawa-at-kahulugan-nito/.

Comments

Popular posts from this blog

PANANALIKSIK

PAGPUPULONG