PANANALIKSIK

 New Normal: Ang makabagong sistema ng Edukasyon.


          Ang Edukasyon ang susi sa lahat upang mamulat tayo sa kamalayan at madagdagan ang mga impormasyon na kailangan natin malaman. Ito ang yaman na kahit kailan ay di mananakaw ng sinuman. Sa ngayon ang bansa ay kasalukuyang humaharap sa isang mabigat na unos kung saan karamihan sa ating mga galaw at paraan ng pamumuhay ay unti-unting nagbabago. Isa ng magandang halimbawa nito ay ang sistema ng Edukasyon. Anu-ano ang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon upang makasunod pa din ang mga mag-aaral sa New Normal na tinatawag? Sapat ba ang mga pamamaraan na ito upang mas matuto ang mga mag-aaral? Paano kinakaharap ng mga mag-aaral ngayon ang bagong sistema ng pagkatuto? Ito ba ay nakapagdudulot ng mabuti o masama sa karamihan? Ilan lamang ito sa mga katanungan na dapat bigyan ng kasagutan.



         May ibat-ibang pamaraan ang inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon; Ang Basic Learning - Continuity Plan o BE-LCPA na naglalayon na magabayan ang mga magulang, mag-aaral at mga guro upang maipagpatuloy ang pagkatuto sa taong ito sa gitna ng pandemya na dulot ng COVID. Ang blended learning, distance learning o homeschooling alinsunod sa Local COVID Risk Severity Classification. Kasabay nito ang pagpapanukala din nila ng paggamit ng mga electronic books o e-books dahil naniniwala ang kagawaran na mas makakatulong ito upang mas mapadali at mapabuti ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon kay Director Abram Abanil ng DepEd Information and Communication Technology Services, pinaghahandaan na ng ahensya ang paggawa ng e-books na magagamit ng mga estudyante kahit wala sila sa loob ng paaralan. Dagdag nito ay ang paghahanda rin ng mga guro sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga webinars kung saan hinahasa at mas nililinang pa ang kaalaman ng mga guro upang makasunod at mas makaisip ng mas epektibo na estratehiya sa pagtuturo. Gayunpaman, may mga pahayag pa din ang iilan sa makabagong sistema na ito. Ayon sa pag-aaral ni Magi Gunigundo na pinamagatang Online Learning sa New Normal ng Edukasyon, iminungkahi ng World Economic Forum na si Cathy Li na mas epektibo ang online learning kaysa sa pag-aaral sa loob ng silid-aralan. Mas natatandaan ng estudyante ang 25-60% ng kanilang natutuhan online kumpara sa  8-10% lang kung sa silid-paaralan ito itinuro. 40-60% ang nababawas na oras para matutuhan ng bata ang isang aralin sa online learning. Ito ay nangangahulugan lamang na mas makakatulong ang online learning sa nakararami. Ayon rin kay Antonio Contreras (Manila times, Mayo 2020) 80% ng mga Pilipino edad 18-24 ay nakakapagonline. Sa kabilang banda ito ay nagsisilbing hamon pa rin sa nakakarami kung paano bubuksan ang isipan nila na ang internet ay di lang panglibangan kundi ay pagkatuto rin. Ayon din sa pag-aaral na isinagawa ni Vanessa R. Landig na pinamagatang DepEd handa sa hamon ng New Normal, iminumungkahi niya na mas maunawaan natin ang iba't-ibang pamamaraan ng sistema ng Edukasyon ngayon. Mahalaga na malaman ang kaibahan ng nabanggit sa itaas na Blended learning, Distance Learning o homeschooling. Blended pinagsamang online at distance learning. Distance learning-- pagsagot sa mga modyuls na inihanda ng bawat guro. Ang face to face ay mahigpit pa di na ipinagbabawal at papayagan lamang sa Ikatlong kwarter ng klase at ito ay sa Enero 2021. May mga polisiya pa din na dapat sundin at papayagan lamang din ito ng IATF o Interagency Task Force ang mga piling paaralan na makakapasa sa mga itinakda ng ahensya. 


    Tunay nga na ang lahat ay nasa pagsasaayos pa din ng mga bagay na dapat isaalang-alang sa makabagong sistema ng Edukasyon. Hindi hadlang ang pandemya na ito upang maisakatuparan ang hangarin ng pamahalaan na palawakin at palakasin pa ang larangan ng pagkatuto. Kasabay ng mga pagbabagong ito ay tiyak na may kaakibat na responsibilidad at matinding disiplina sa bawat guro, magulang, at lalo na sa mga mag-aaral. 



Bilang ng mga salita: 630 

Mga Sanggunian:

https://www.untvweb.com/news/deped-gagamit-ng-e-books-bilang-tugon-sa-new-normal-sa-larangan-ng-edukasyon/

https://archive.journal.com.ph/editorial/opinion/online-learning-sa-new-normal-ng-edukasyon

BC-VOLZ-ISSUE3.pdf


Comments

Popular posts from this blog

AKADEMIKONG SULATIN

PAGPUPULONG