AKADEMIKONG SULATIN
Akademikong Sulatin: Ang katangian at kahalagahan nito. Ang akademikong sulatin ay isang paraan ng pagsulat kung saan kinapalolooban ito ng mga aralin, kaalaman, at mga impormasyon. Ito rin ay kadalasang ginagawa upang maibahagi ang kaalaman sa iba pang mga magbabasa. Maliban dito, ginagamit din ang akademikong pagsulat para ikwento ang mga bagay na nangyayari sa personal na buhay ng mga tao o di kaya kung ito ay ibinabahagi sa paraang pang-intelektwal o ‘di kaya ay pang-akademiko. Mayroong tatlong pangunahing uri ang sulating pang-akademiko ngunit aabot sa labindalawa ang listahan nito. Una sa listahan ang tinatawag na abstrak. Ito ay naglalaman ng introduksyon, metodolohiya, resulta, at kongklusyun. Ito naman ay kadalasang ginagamit sa mga sulating pang-akademiko tulad ng thesis o research paper kung saan ang nagsasalita ay dapat may tono na tila ba siya ay mariing naninindigan sa kanyang ...