Akademikong Pagsulat
Akademikong
Pagsulat
Ito ay iba't-ibang sulatin na
ginagawa gamit ang intelektwal na pagiisip, isang pagsulat na
naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral. Ang akademikong
pagsulat ay nangangailangan ng higit na mataas na antas ng
mga kasanayan. Ito rin ay isang sistematikong pagsulat
na maaaring maging batayan ng iba lalo na ng mga
mag-aaral. Layunin nitong magbigay o magkalap ng makatotohanang
impormasyon at malikhaing pagsasagawa ng ulat
Ang akademikong pagsulat
ay may iba’t- ibang katangian kabilang ditto ang paggamit ng pormal na salita,
hindi ito ginagamitan ng mga impormal o balbal na pananalita. Mayroon din itong
kalinawan sapagkat ang sulating akademiko ay dapat maging malinaw ang pagsulat
ng mga impormasyon at ang pagpapahayag sa pagsulat ay derektibo at sistematiko.
Samantala ang iba pang uri ng sulatin katulad ng kwento at nobela ay kadalasang
ginagamitan ng sariling opinyon, kaalaman at emosyon ng mga awtor na maaring
kuro-kuro at kathang isip lamang. Ginagamitan din ito ng mga di pormal na
emosyon titik at pananalita. Ang layunin ng akademikong pagsulat ay magbahagi o
magkalap ng mga makatotohanang impormasyon o detalye at maniwala sa kanyang
posisyon hinggil sa isang paksa. Ang layunin naman ng kwento at nobela ay ang
magbigay ng sariling opinyon, karanasan at iba pa.
Mahalagang matutunan ang kahalagahan, kalikasan at katangian ng
akademikong sulatin upang magkaroon ng sapat na kaalaman kung
papaano nga ba ang wastong pagsulat ng mga ito. Kung ikaw ang manunulat maihahayag mo nang maayos
ang nais mong iparating sa mga babasa nito. Ang
adakemikong Dahil kung wala tayong sapat
na kaalaman ukol dito ay maaaring hindi natin maihahayag ng wasto ang ating
sarili sa paraan ng pagsulat at maari din na hindi ito medaling maunawaan. Kung
kaya’t dapat natin itong pag-aralan. Ang kwento at nobela naman ay mas pinadali
kaysa sa akademikong pagsulat sapagkat dito ay mabibigay ka lamang ng sariling
opinyon at karanasan, bumabase ka lamang sa iyong sarili, pamilya at komunidad
nilalahad mo lamang dito ang iyong alam at nakita.
Pinagmulan:https://elcomblus.com/ang-kahulugan-katangian-at-layunin-ng-akademikong-pagsulat/
http://groupstem4.blogspot.com/2017/12/kahalagahan-ng-akademikong-sulatin.html?m=1
Comments
Post a Comment