PAGPUPULONG
Ang Daloy ng Pagpupulong Mahalaga ang maayos na pagpupulong. Napakaraming magagandang usapin ang pwedeng maisama sa bawat pagpupulong na magagawa ng isang grupo o organisasyon. Ang maayos na komunikasyon ang dahilan kung bakit mas maganda na may mainam na daloy ng pag-uusap ang mga miyembro ng isang grupo. Maliban ditto, kapag may itinakdang oras na upang mapag-usapan ang ibat-ibang mahahalagang paksa, mas makapaglalaan ng panahon ang bawat isa at mas may tyansa ang lahat na making at mapakinggan. Ayon sa bidyo na pinamagatang “Pagpupulong” ,may sistematikong paraan upang maidaos nang maayos ang pagpupulong. Ipinakita dito na may ibat-ibang paraan upang magawa ito. Ang unang parte ay ang pagbubukas ng pulong. Sinimulan sa isang dasal ang pagbubukas ng pulong dahil simbolo ito ng pagpapahalaga ng grupo sa Poong Maykapal. Samantala, ang pangalawang parte naman ...